Make your own free website on Tripod.com

          

                                                                                                                                                                                                 

                                                                                                   

 

 

 

 

 

Text Box: 29 Hunyo
Kumusta sa lahat! 
Eto na nga pala ang bago kong layout para sa aking website. Salamat nga pala sa mga taong pinag-gayahan ko ng disenyo. 
Tungkol lang sa MMDA art: hindi ako kritiko para sabihin kung ano ang sining o hindi pero punyemas naman, parang utot sa tenga ko na marinig ang dalawang salitang ito. Tama ang sabi ni Bb. Ito ng Kule: "subersyon" at "political dissent" ang 'tinatarget' o sinesensura ng estetika ng MMDA art. Isa rin itong malinaw na pagpapakita kung gaano kakitid ang awtoritaryong utak ni BF - na siyang may pakana nito. 
Isa pang patunay na sintigas ng blokeng simento ang kokote ni BF: ang pagtanggal ng mga islands sa QC circle at pagsasara ng mga daan tulad ng sa Muņoz patawid ng EDSA. Sabagay, recreational din naman ang epekto nito sa mga tatawid: makikipag - patentero muna sila sa mga trak at bus bago makarating sa kabilang kalye. Yung sa Muņoz naman, kailangang makita niyo ang lugar para maintindihan kung gaano ka-'mindless' ang nangyayari.
PERO, wala ang mga ito kumpara sa mga nararanasan ng mga bahay at buhay na dinedemolish ni BF. Isipin mo na lang ang bahay at mga ari-arian mo ginigiba sa harapan mo at wala kang magawa. Maraming mga taong napaalis sa Central Avenue, North triangle, Visayas, Commonwealth, etc. Ang ilan ay may mga malilinaw na programang relokasyon ngunit pinaalis sila nang walang konsultasyon at koordinasyon. 
Pasensya na kung makitid rin akong tumingin sa sining ngunit nakikita ko sa mga parisukat at tatsulok na nakatatak sa mga pader ng kalye ang mga tao at kabuhayang itinaboy mula mismo sa mga kalyeng ito. Walang kalaban - laban ang mga taong ito dahil isang kamaong bakal ang nakabantay sa kanila, habang tinatakpan ang mga hinaing nila.